Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

24.1.19

1. Ano ang mahalagang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos at ng gawain ng tao?


1. Ano ang mahalagang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos at ng gawain ng tao? 
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang gawain ng Diyos Mismo ay kinapapalooban ng gawain ng buong sangkatauhan, at ito ay kumakatawan sa gawain ng buong kapanahunan. Ibig sabihin niyan, ang sariling gawain ng Diyos ay kumakatawan sa galaw at kalakaran ng lahat ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang ang gawain ng mga apostol ay sumusunod sa sariling gawain ng Diyos at hindi nangunguna sa kapanahunan, o kumakatawan man ito sa kalakarang gawain ng Banal na Espiritu sa isang buong kapanahunan. Ginagawa lamang nila ang gawain na dapat gawin ng tao, na hindi kinapapalooban kahit kailan ng gawaing pamamahala. Ang sariling gawain ng Diyos ay ang proyekto sa loob ng gawaing pamamahala. Ang gawain ng tao ay tanging ang tungkulin ng mga tao na ginagamit at walang kinalaman sa gawaing pamamahala. Dahil sa iba't-ibang pagkakakilanlan at mga pagkatawan ng gawain, sa kabila ng katotohanan na ang mga iyon ay parehong gawain ng Banal na Espiritu, mayroong malinaw at makabuluhang pagkakaiba sa pag-itan ng sariling gawain ng Diyos at ng gawain ng tao.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, ibunyag ang mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang pagliliwanag na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa at kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o ibunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may sustansya ng Diyos, at ang tao ay may sustansya ng tao.
mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong panahon, at ang mga nagpapatuloy sa Kanyang gawain ay ang mga tao na ginamit Niya. Ang gawain na ginawa ng tao ay napapaloob sa ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao, at hindi kaya na lumampas sa ganitong saklaw. Kung ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi dumating upang gawin ang Kanyang gawain, ang tao ay mawawalan ng kakayahan upang dalhin ang lumang panahon sa katapusan, at hindi kayang maghatid ng isang bagong panahon. Ang gawain na ginawa ng tao ay tanging sa loob lamang na saklaw ng kanyang tungkulin na posible sa tao, at hindi kumakatawan sa gawain ng Diyos. Tanging ang nagkatawang-taong Diyos ang maaaring dumating at gagawang ganap sa gawain na dapat Niyang gawin, at bukod sa Kanya, walang sinuman ang maaaring gawin itong gawain na Kanyang kahalili. Siyempre, ang tinutukoy Ko ay ang tungkol sa gawain ng pagkakatawang-tao.
mula sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay lubos na iba sa mga taong ginamit ng Diyos. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay maaaring isagawa ang gawain ng pagka-Diyos, ngunit ang mga taong ginamit ng Diyos ay hindi. Sa simula ng bawat panahon, ang Espiritu ng Diyos ay nangungusap mismo sa Kanyang katauhan upang ilunsad ang bagong panahon at bigyan ang tao ng panibagong simula. Kapag natapos Niya ang Kanyang pangungusap, ito ay tanda na ang gawaing pagka-Diyos ng Diyos ay natupad na. Pagkatapos noon, susunod ang mga tao sa pangunguna ng mga taong ginamit ng Diyos upang pumasok sa karanasan ng buhay.
mula sa “Ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ang mga Taong Ginamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga salita at gawain ng mga propeta at niyaong mga ginamit ng Banal na Espiritu ay paggawa lahat ng tungkulin ng tao, pagganap sa kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang, at paggawa ng mga nararapat gawin ng tao. Gayun pa man, ang mga salita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang isakatuparan ang Kanyang ministeryo. Kahit ang Kanyang panlabas na anyo ay doon sa isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay hindi upang isagawa ang Kanyang tungkulin kundi ang Kanyang ministeryo. Ang katawagang “tungkulin” ay ginagamit kaugnay sa mga taong nilalang, samantalang ang “ministeryo” ay ginagamit kaugnay sa katawang ng Diyos na naging-tao. Mayroong isang mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa, at ang dalawa ay hindi maaaring pagpalitin. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin, samantalang ang gawain ng Diyos ay pamahalaan, at isakatuparan ang Kanyang ministeryo. Samakatuwid, kahit na maraming apostol ang ginamit ng Banal na Espiritu at maraming mga propeta ang napuspos Niya, ang kanilang gawain at mga salita ay para lamang gawin ang kanilang tungkulin bilang isang taong nilalang. Kahit na ang kanilang mga propesiya ay maaring mas dakila kaysa sa paraan ng pamumuhay na sinalita ng nagkatawang-taong Diyos, at kahit na ang kanilang pagkatao ay mas mahusay kaysa roon sa nagkatawang-taong Diyos, ginagawa pa rin nila ang kanilang tungkulin, at hindi tinutupad ang kanilang ministeryo. Ang tungkulin ng tao ay tumutukoy sa ginagampanan ng tao, at isang bagay na kayang matupad ng tao. Gayun pa man, ang ministeryo na isinasakatuparan ng nagkatawang-taong Diyos ay may kaugnayan sa Kanyang pamamahala, at ito ay hindi kayang makamit ng tao. Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang pamamahala ng Diyos, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay mawawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na esensya ng Diyos, iyon ay, ang Kanyang Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao, na suot ang panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at ang maaari lamang magawa ng lahat ng tao ay ang ibigay ang kanyang makakaya sa loob ng sakop ng Kanyang pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna.
mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kinatawan ni Jesus ang Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ang tuwirang gumagawa. Ginawa Niya ang gawain sa bagong panahon, ang gawain na walang pang nakagagawa. Nagbukas Siya ng bagong daan, kinatawan Niya si Jehovah, at kinatawan Niya ang Diyos Mismo. Samantalang sina Pedro, Pablo at David, anuman ang tawag sa kanila, kinatawan lang nila ang pagkakakilanlan ng nilalang ng Diyos, o ipinadala ni Jesus o Jehovah. Kaya gaano man karami ang gawaing kanilang isinagawa, gaano man kadakila ang mga himalang kanilang ginawa, sila'y mga nilalang lamang ng Diyos, at walang kakayahang kumatawan sa Espiritu ng Diyos. Sila ay gumawa para sa ngalan ng Diyos o matapos ipadala ng Diyos; higit pa rito, sila ay gumawa sa panahong sinimulan ni Jesus o Jehovah, at ang gawaing kanilang isinagawa ay hindi magkahiwalay. Sila'y, sa makatuwid, mga nilalang lamang ng Diyos.
mula sa “Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ginawa lamang ni Juan ang gawain ng pasimula; mas marami sa bagong gawain ay ginawa ni Jesus. Si Juan ay gumawa rin ng bagong gawain, ngunit hindi siya ang taong naghatid sa isang bagong kapanahunan. … Kahit sinabi rin ni Juan, "Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit," at nangaral din ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, ang kanyang trabaho ay hindi malalim at bumuo lamang ng simulain. Sa kaibahan, inihatid ni Jesus ang bagong kapanahunan at dinala ang lumang kapanahunan sa katapusan, ngunit tinupad din Niya ang kautusan ng Lumang Tipan. Higit na mas dakila ang gawain na ginawa Niya kaysa kay Juan, at ginawa Niya ang yugto ng gawaing ito upang matubos ang lahat ng sangkatauhan. Naghanda lamang ng daan si Juan. Kahit na dakila ang kanyang trabaho, marami ang kanyang mga salita, at marami ang mga alagad na sumunod sa kanya, walang higit na ibinunga ang kanyang trabaho kundi dalahin ang isang bagong simula sa tao. Hindi kailanman nakatanggap ang tao ng buhay mula sa kanya, ang daan, o malalalim na katotohanan, at wala man lamang silang nakuha na pang-unawa sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan niya. Si Juan ay isang dakilang propeta (Elijah) na pinasimunuan ang bagong batayan para sa gawain ni Jesus at inihanda ang pinili; naging hudyat siya para sa Panahon ng Biyaya. Hindi maaaring mabatid ang ganitong mga bagay sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanilang mga karaniwang anyo ng tao. Lalo na, gumawa ng ilang mahusay na gawain si Juan; higit pa rito, ipinanganak siya sa pamamagitan ng pangako ng Banal na Espiritu, at itinaguyod ng Banal na Espiritu ang kanyang gawain. Gaya ng nabanggit, ang pagtukoy sa pagkakaiba ng kanilang mga sariling pagkakilanlan ay maaari lamang magawa sa kanilang gawain, sapagkat hindi masasabi ng panlabas na anyo ng isang tao ang kanyang halaga, at hindi kaya ng tao na alamin ang tunay na patotoo ng Banal na Espiritu. Ang gawain na ginawa ni Juan at ang ginawa ni Jesus ay hindi magkatulad at magkaiba ng kalikasan. Ito ay yaong dapat magtukoy kung Diyos Siya o hindi. Magsisimula, magpapatuloy, tapusin, at matutupad ang trabaho ni Jesus. Tinupad ni Jesus ang bawat isa sa mga hakbang na ito, samantalang ang gawain ni Juan ay hindi hihigit sa simula. Sa simula, ipinakalat ni Jesus ang ebanghelyo at ipinangaral ang paraan ng pagsisisi, pagkatapos ay natuloy ito sa bumautismo ng tao, pagpapagaling ng karamdaman, at magpalayas ng mga demonyo. Sa katapusan, tinubos Niya ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kinumpleto ang Kanyang trabaho para sa buong panahon. Nangaral siya sa tao at nagpakalat ng ebanghelyo ng kaharian ng langit sa lahat ng mga lugar. Ito ay pareho kay Juan, na may pagkakaiba dahil si Jesus ang naghatid sa isang bagong panahon at nagdala sa tao ng Panahon ng Biyaya. Lumabas mula sa Kanyang bibig kung ano ang salita na dapat isabuhay ng tao at ang daan na dapat sundin ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya, at sa katapusan, tinapos Niya ang gawain ng pagtubos. Hindi kailanman matutupad ni Juan ang gayong gawain. At sa gayon, si Jesus ang gumawa ng gawain ng Diyos Mismo, at ito ay Siya na Diyos Mismo at direktang kumakatawan sa Diyos.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawain ng tao ay may saklaw at mga hangganan. Ang isang tao ay makakaya lamang na gumawa sa isang tiyak na bahagi at hindi maaaring gumawa ng gawain ng isang buong kapanahunan-kung hindi, pangungunahan niya ang mga tao sa mga tuntunin. Ang gawain ng tao ay mailalapat lamang sa isang natatanging panahon o yugto. Ito ay dahil ang karanasan ng tao ay may sakop. Hindi maihahambing ng isa ang gawain ng tao sa gawain ng Diyos. Ang paraan ng tao sa pagsasagawa at ang kanyang kaalaman sa katotohanan ay mailalapat lahat sa isang natatanging sakop. Hindi mo masasabi na ang landas na tinatahak ng tao ay lubusang kalooban ng Banal na Espiritu, sapagka't ang tao ay maliliwanagan lamang sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at hindi maaaring lubusang mapuno ng Banal na Espiritu. Ang mga bagay na maaaring maranasan ng tao ay sakop lahat ng normal na pagkatao at hindi lalampas sa saklaw ng iniisip ng normal na isip ng tao. Lahat niyaong mayroong praktikal na pagpapahayag ay nakararanas sa saklaw na ito.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa loob ng isang tagal ng panahon, ang Diyos ay maaaring magkaroon ng maraming iba't-ibang uri ng gawain at iba’t-ibang paraan ng pangunguna, na nagpapahintulot sa mga tao na magkaroon ng mga bagong pagpasok at bagong mga pagbabago. Hindi mo matutuklasan ang mga batas ng Kanyang gawain sapagka’t Siya ay laging gumagawa sa bagong mga paraan. Sa ganitong paraan lamang hindi mahuhulog sa tuntunin ang mga tagasunod ng Diyos. Ang gawain ng Diyos Mismo ay laging umiiwas sa mga paniwala ng mga tao at sumasalungat sa kanilang mga paniwala. Tanging yaong mga sumusunod at naghahabol sa Kanya nang may tunay na puso ang mababago ang kanilang mga disposisyon at maaaring mamuhay nang malaya nang hindi sakop ng anumang tuntunin o napipigilan ng anumang relihiyosong mga paniwala. Ang hinihingi ng gawain ng tao ay batay sa kanyang sariling karanasan at kung ano ang maaaring makamit ng sarili niya. Ang pamantayan ng ganitong mga kinakailangan ay limitado sa isang tiyak na sakop, at ang mga paraan ng pagsasagawa ay napaka-limitado rin. Kaya hindi namamalayan ng mga tagasunod na namumuhay na sila sa ganitong limitadong sakop; sa paglipas ng panahon, sila ay nagiging mga tuntunin at mga rituwal.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang dumadaloy na gawain ng Banal na Espiritu, ito man ay sariling gawain ng Diyos o ang gawain ng mga tao na ginagamit, ito ay gawain ng Banal na Espiritu. … ang gawain ng Diyos Mismo ay ang gawain ng Banal na Espiritu; ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay walang iba kundi ang Banal na Espiritu na nasa paggawa. Ang gawain ng mga tao na ginagamit ay gawain din ng Banal na Espiritu. Ito ay dahil lamang sa ang gawain ng Diyos ay ang ganap na pagpapahayag ng Banal na Espiritu, at wala iyong pagkakaiba, samantalang ang gawain ng tao ay inihahalo sa ibang mga bagay ng tao, at hindi ito ang tuwirang pagpapahayag ng Banal na Espiritu, lalong hindi ang ganap na pagpapahayag.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung ano ang ipinahahayag ng Diyos ay ang Diyos Mismo, at ito ay hindi maaarok ng tao, o lampas sa pag-iisip ng tao. Ipinahahayag Niya ang Kanyang gawain sa pangunguna sa lahat ng sangkatauhan, at ito ay walang kaugnayan sa salaysay ng karanasan ng tao, sa halip ay may kinalaman sa Kanyang sariling pamamahala. Ipinahahayag ng tao ang kanyang karanasan habang ipinahahayag naman ng Diyos ang Kanyang anyo-ang ganitong anyo ay ang Kanyang likas na disposisyon at hindi ito maaarok ng tao. Ang karanasan ng tao ay ang kanyang paningin at kaalaman na natutuhan batay sa pagpapahayag ng Diyos sa Kanyang pagiging-Diyos. Ang ganitong paningin at kaalaman ay tinatawag na pagiging-tao. Ito ay ipinahahayag sa saligan ng likas na disposisyon ng tao at ang kanyang aktuwal na kakayahan; kaya ito ay tinatawag na pagiging-tao. … Ang sinasabi ng tao ay ang naranasan nila. Ito ang nakita nila, ang naarok ng mga isip nila at ang mga naramdaman nila. Ito ang kaya nilang pagsamahan. Ang mga salita na sinalita ng katawang-tao ng Diyos ay tuwirang pagpapahayag ng Espiritu at nagpapahayag ng gawain na ginawa ng Espiritu. Hindi ito naranasan o nakita ng katawang-tao, ngunit nagpapahayag pa rin ng Kanyang anyo sapagkat ang sangkap ng katawang-tao ay ang Espiritu, at nagpapahayag Siya ng gawain ng Espiritu. Kahit hindi ito magawang maabot ng laman, ito ay gawain na ginawa na ng Espiritu. Matapos ang pagkakatawang-tao, sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katawang-tao, binigyang-daan Niya ang mga tao na malaman ang anyo ng Diyos at pinahintulutan sila na makita ang mga disposisyon ng Diyos at ang gawain na ginawa Niya. Ang gawain ng tao ay nagbibigay-daan sa tao na maging mas malinaw sa kung ano ang dapat nilang pasukin at kung ano ang dapat nilang intindihin; sangkot dito ang pangunguna sa mga tao sa pagkaunawa at pagdanas ng katotohanan. Ang gawain ng tao ay upang tulungan ang mga tao; ang gawain ng Diyos ay upang buksan ang mga bagong landas at panahon para sa sangkatauhan, at upang ibunyag sa mga tao ang mga hindi alam ng mga nilalang, binibigyang-daan sila na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang gawain ng Diyos ay upang pangunahan ang lahat ng sangkatauhan.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dapat ninyong malaman kung paano alamin ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos mula sa gawain ng tao. Ano ang nakikita mo mula sa gawain ng tao? Mayroong napakaraming mga elemento ng karanasan ng tao sa gawain ng tao; kung ano ang ipinahahayag ng tao ay kung ano siya. Ang sariling gawain ng Diyos ay nagpapahayag din kung ano Siya, nguni’t kung ano Siya ay naiiba sa kung ano ang tao. Kung ano ang tao ay kumakatawan sa karanasan ng tao at buhay (kung ano ang nararanasan ng tao o nahaharap niya sa kanyang buhay, o mga saligang-kaisipan tungkol sa buhay na mayroon siya), at ang mga taong namumuhay sa iba’t-ibang kapaligiran ay nagpapahayag ng iba’t-ibang mga kabuuan. Kung mayroon kang mga karanasan sa pakikisama o wala at kung paano ka tunay na namumuhay at nakakaranas sa iyong pamilya ay makikita sa kung ano ang iyong ipinahahayag, samantalang hindi mo makikita mula sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao kung Siya ay may karanasan sa pakikisama o wala. Alam Niyang lubos ang kakanyahan ng tao, anupa’t kaya Niyang ibunyag ang lahat ng uri ng mga pagsasagawa na may kinalaman sa lahat ng uri ng mga tao. Mas mahusay pa nga Siya sa pagbubunyag ng tiwaling disposisyon ng tao at suwail na pag-uugali. Hindi Siya namumuhay sa gitna ng makasanlibutang mga tao, nguni’t alam Niya ang kalikasan ng mga mortal at ang lahat ng mga katiwalian ng makasanlibutang mga tao. Ito ay kung ano Siya. Kahit hindi Siya nakikitungo sa mundo, alam Niya ang mga tuntunin sa pakikitungo sa mundo, sapagka’t lubos Niyang nauunawaan ang kalikasan ng tao. Alam Niya ang tungkol sa gawain ng Espiritu na hindi nakikita ng mga mata ng tao at hindi naririnig ng mga tainga ng tao, maging ngayon at noong nakaraan. Kasama rito ang karunungan na hindi isang saligang-kaisipan ng buhay ng tao at himalang hindi maarok ng mga tao. Ito ay kung ano Siya, ginawang bukas sa mga tao at nakatago rin sa mga tao. Ang Kanyang ipinahahayag ay hindi ang kung ano ang isang hindi-pangkaraniwang tao, kundi ang likas na mga katangian at kabuuan ng Espiritu. Hindi Siya naglalakbay sa buong mundo nguni’t alam Niya ang lahat tungkol dito. Nakikipag-ugnayan Siya sa mga “unggoy na hawig sa tao” na walang kaalaman o pananaw, nguni’t nagpapahayag Siya ng mga salita na mas mataas sa kaalaman at mas higit sa mga dakilang tao. Namumuhay Siya sa gitna ng pangkat ng mapupurol-ang-isip at manhid na mga tao na walang pagkatao at hindi nakakaunawa sa mga kalakaran at buhay ng tao, nguni’t kaya Niyang hingin sa sangkatauhan na isabuhay ang normal na pagkatao, habang ibinubunyag ang hamak at mababang pagkatao ng sangkatauhan. Lahat ng ito ay kung ano Siya, mas mataas sa kahit anong laman-at-dugong tao. Para sa Kanya, hindi kailangang makaranas ng isang magulo, mahirap at nakakarimarim na buhay panlipunan upang gawin ang gawaing kailangan Niyang gawin at lubusang ibunyag ang kakanyahan ng tiwaling sangkatauhan. Ang nakakarimarim na buhay panlipunan ay hindi nakapagtataas sa Kanyang laman. Ang Kanyang gawain at mga salita ay nagbubunyag lamang ng pagkamasuwayin ng tao at hindi nagkakaloob sa tao ng karanasan at mga aralin sa pakikitungo sa mundo. Hindi Niya kailangang suriin ang lipunan o ang pamilya ng tao kapag tinutustusan Niya ang tao ng buhay. Ang paglalantad at paghatol sa tao ay hindi isang pagpapahayag ng mga karanasan ng Kanyang laman; ito ay upang ibunyag ang di-pagkamatuwid ng tao pagkatapos alamin na pangmatagalan ang pagkamasuwayin ng tao at kapootan ang katiwalian ng sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ay upang ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao at ipahayag ang Kanyang kabuuan. Siya lamang ang maaaring gumawa nito, hindi ito isang bagay na maaring makamit ng laman-at-dugong tao. Hinggil sa Kanyang gawain, hindi kaya ng tao na sabihin kung anong uri Siya ng tao. Hindi rin kaya ng tao na uriin Siya bilang nilikhang persona batay sa Kanyang gawain. Kung ano Siya ay gumagawa rin sa Kanya na hindi-kayang mauri bilang nilikhang persona. Maaari lamang ituring ng tao na Siya ay hindi tao, nguni’t hindi alam kung saang uri Siya ilalagay, kaya napilitan ang tao na ilagay Siya sa uri ng Diyos. Hindi kawalang-katuwiran na gawin ito ng tao, sapagka’t marami Siyang nagawa sa gitna ng mga tao na hindi kayang gawin ng tao.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay hindi kumakatawan sa karanasan ng Kanyang laman; ang gawain na ginagawa ng tao ay kumakatawan sa karanasan ng tao. Nagsasalita ang bawa't isa tungkol sa kanyang pansariling karanasan. Maaaring tuwirang ipahayag ng Diyos ang katotohanan, habang maaari lamang ipahayag ng tao ang katumbas na karanasan pagkatapos maranasan ang katotohanan. Ang gawain ng Diyos ay walang tuntunin, at hindi ito sakop ng panahon o heograpiyang hangganan. Maaari Niyang ipahayag kung ano Siya anumang oras, saanman. Gumagawa Siya ayon sa Kanyang ikinasisiya. Ang gawain ng tao ay mayroong mga kalagayan at nilalaman; kung hindi, hindi siya makakagawa at makakapagpahayag ng kanyang pagkakilala sa Diyos o ng kanyang karanasan sa katotohanan. Kailangan mo lamang na ihambing ang pagkakaiba sa pagi-tan ng mga ito upang masabi kung ito ay sariling gawain ng Diyos o gawain ng tao. Kung walang gawain na ginawa ng Diyos Mismo at mayroon lamang gawain ng tao, malalaman mo na ang mga turo ng tao ay mataas, higit sa kakayahan ng iba; ang kanilang himig pananalita, ang kanilang simulain sa paghawak ng mga bagay at ang kanilang may karanasan at matatag na paraan sa paggawa ay hindi maaarok ng iba. Hinahangaan ninyo ang mga taong ito na may mataas na pagkatao, ngunit hindi ninyo makita mula sa gawain at mga salita ng Diyos kung gaano kataas ang Kanyang pagkatao. Sa halip, Siya ay pangkaraniwan, at kapag gumagawa, Siya ay karaniwan at tunay ngunit hindi maaaring masukat ng mga tao, na nagpapangyari sa mga tao na makaramdam ng paggalang sa Kanya. Siguro ang isang karanasan ng tao sa kanyang gawain ay natatanging mataas, o ang kanyang guni-guni at pangangatuwiran ay natatanging mataas, at ang kanyang pagkatao ay natatanging mabuti; ito ay magkakamit lamang ng paghanga ng mga tao, ngunit hindi upang pukawin ang kanilang pangimi at takot. Ang mga tao ay humahanga sa may kakayahang gumawa at ang may natatanging malalim na karanasan at maaaring isagawa ang katotohanan, ngunit hindi nila kayang pukawin ang pangimi, sa halip ay paghanga lamang at inggit. Ngunit ang mga tao na nakaranas ng gawain ng Diyos ay hindi humahanga sa Diyos, sa halip ay nararamdaman nila na ang Kanyang gawain ay hindi maarok ng tao at hindi maunawaan ng tao, at ito ay sariwa at kamangha-mangha. Kapag naranasan ng mga tao ang gawain ng Diyos, ang kanilang kaalaman sa Kanya ay Siya at hindi maunawaan, marunong at kamangha-mangha, at hindi nila namamalayang iginagalang na nila Siya at nararamdaman ang hiwaga ng gawain na ginagawa Niya, na hindi maarok ng isip ng tao. Gusto lamang ng mga tao na maabot ang Kanyang mga kahilingan, upang masapatan ang Kanyang pagnanasa; hindi nila nais na malampasan Siya, sapagkat ang gawain na ginagawa Niya ay higit sa iniisip at guni-guni ng tao at hindi maaaring gawin ng tao. Kahit ang tao mismo a hindi alam ang kanyang sariling kakulangan, habang binubuksan Niya ang isang bagong landas at magdadala sa tao sa mas bago at higit na magandang mundo, upang ang sangkatauhan ay makagawa ng bagong pagsulong at magkaroon ng bagong simula. Ang nararamdaman ng tao para sa Kanya ay hindi paghanga, o sa halip ay hindi lamang paghanga. Ang kanilang pinakamalalim na karanasan ay pangimi at pag-ibig, ang kanilang pakiramdam ay ang Diyos ang talagang kamangha-mangha. Gumagawa Siya ng hindi maaaring gawin ng tao, nagsasabi Siya ng mga bagay na hindi kayang sabihin ng mga tao. Ang mga taong nakaranas ng Kanyang gawain ay laging nakararanas ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Ang mga tao na may mas malalim na karanasan ay natatanging mahal ang Diyos. Lagi nilang nararamdaman ang Kanyang pagiging mapagmahal, nararamdaman na ang Kanyang gawain ay napakarunong, nakamamangha, at sa gayon ay lumikha ng walang katapusang kapangyarihan sa kanilang kalagitnaan. Hindi takot o paminsang-minsang pag-ibig o paggalang, sa halip ay malalim na pakiramdam sa pagkahabag at pagpaparaya ng Diyos sa tao. Ngunit, ang mga tao na nakaranas ng Kanyang pagkastigo at paghatol ay nararamdaman Siya bilang makahari at hindi marahas.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung gagawin ng tao ang ganitong gawain, kung gayon ito ay magiging masyadong limitado: Maaaring dalhin nito ang tao sa isang tukoy na punto, ngunit hindi nito maaaring madala ang tao sa walang hanggang hantungan. Hindi kayang pagpasyahan ng tao ang kanyang tadhana, ni, higit pa rito, hindi niya kayang matiyak ang mga inaasam ng tao at hinaharap na hantungan. Ang gawain na ginawa ng Diyos, gayunman, ay naiiba. Yayamang nilikha Niya ang tao, pinangungunahan Niya ito; yayamang inililigtas Niya ang tao, ililigtas Niya siya nang lubos, at ganap na tatamuhin siya; yayamang pinangungunahan Niya ang tao, dadalhin Niya siya sa angkop na hantungan; at yayamang nilikha Niya at pinamamahalaan ang tao, kailangang akuin Niya ang kapalaran at mga inaasam ng tao. Ito nga ay ang gawaing isinagawa ng Lumikha.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento