May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan
Gan'en Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui
Sa buhay ko, palagi akong namuhay sa pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala" sa pakikipag-ugnayan sa lipunan. Hindi ako kailanman nagbibigay ng tiwala sa iba nang basta-basta. Palagi kong nadama na sa mga sitwasyon kung saan hindi mo alam ang tunay na mga intensyon ng isang tao, hindi mo dapat ipakita ang iyong intensyon ng masyadong maaga.
Kaya, sapat nang panatilihin ang mapayapang pag-uugali—sa ganitong paraan ay napoprotektahan mo ang iyong sarili at iisipin ka ng iyong mga katulad bilang isang "mabuting tao."
Kahit pagkatapos kong matanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nanatili ako sa kasabihang ito sa aking mga pakikitungo sa iba. Nang makita ko na hinihingi ng Diyos na tayo ay maging inosente, marangal at matapat, marangal lamang ako sa maliliit na bagay na walang personal na interes sa akin. Hindi ko halos kailanman ibinabahagi ang mga aspeto ng aking disposisyon na nakita kong totoong tiwali, dahil sa takot na hahamakin ako ng aking mga kapatid. Nang ibukod ako ng aking lider dahil sa paggawa ng walang sigasig sa aking gawain, ako ay puno ng paghihinala at pag-aalinlangan at inisip sa sarili ko, "Bakit palagi akong ibinubukod ng aking lider at dumadako sa mga detalye ng aking kalagayan sa harapan ng lahat ng aking mga kapatid? Hindi ba halata na mapapahiya ako nito at mapapahiya ako sa harap ng lahat? Marahil ang aking pinuno ay hindi masyadong masigasig sa akin, kaya nagpasiya siyang sisihin ako." Lubhang masakit at hindi mabata na makita ang iba pang mga kapatid na itinataas habang ako ay nananatili sa parehong posisyon. Ipinalagay ko na hindi ako itinataas dahil hindi ako karapat-dapat na sanayin. Ang aking puso ay napuno ng mga maling pag-unawa at mga pagdududa; Nadama ko na wala akong kinabukasan, na wala nang kabuluhan sa pagpapatuloy sa landas na ito. Sapagkat lagi akong nagbabantay at naghihinala sa iba, pahigit nang pahigit na hindi ko naunawaan ang Diyos at naramdamang paunti nang paunti ang kaugnayan sa Kanya. Ang aking kondisyon ay nagiging higit at higit pang hindi karaniwan at sa huli ay nawala ang aking kaugnayan sa gawain ng Banal na Espiritu at nahulog sa kadiliman.
Sa kalaliman ng pagdurusa, nawala at walang direksyon, dumating ako sa siping ito ng salita ng Diyos: “Kung masyado kang tuso, magkakaroon ka ng mapagsaalang-alang na puso at pag-iisip na may pagdududa sa lahat ng bagay at lahat ng mga tao. Sa ganitong katuwiran, ang iyong pananampalataya sa Akin ay itinayo sa pundasyon ng paghihinala. Ang ganitong uri ng pananampalataya ang hindi Ko kailanman kikilalanin. Kung wala ang tunay na pananampalataya, ang iyong pag-ibig ay malayo sa tunay na pag-ibig. At kahit pagdudahan mo ang Diyos at sadyaing magkaroon ng sapantaha tungkol sa Kanya, ikaw ay talagang pinakatusong tao” (“Paano Makilala ang Diyos na nasa Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Habang pinag-iisipan ko ang salita ng Diyos, bigla akong nagbulay sa aking mga sariling aksyon sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa una pa lamang, naisip ko: “Hindi ba’t nabubuhay ako na may ‘mapagsaalang-alang na puso at pag-iisip na may pagdududa sa lahat ng bagay at lahat ng mga tao’?” Kung gayon, hindi ba’t ako ay isang tusong tao sa paningin ng Diyos? Sa sandaling iyon, ang mga salitang "tusong tao" ay tumagos sa aking puso tulad ng isang matalas na talim, na dinudulutan ako ng di mabatang pagdurusa. Palagi kong inisip na hangga't pinananatili ko ang kasabihang “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala," ituturing akong isang mabuting tao ng aking mga katulad, kaya ako ay nabuhay sa pamamagitan ng mga salitang iyon sa aking mga pakikitungo sa ibang mga tao at sa pagsasagawa ng tungkulin. Hindi kailanman, sa lahat ng aking mga taon, na pinaghinalaan ko na ang pamumuhay sa pamamagitan ng kasabihang ito ay gagawin akong isang taong may pagkatuso. Nangangahulugan ito na “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala," ang kasabihang napakatagal kong itinaguyod, ay hindi tumalima sa katotohanan at nasa tuwirang pagsalungat sa salita ng Diyos. Nagulat ako na makita ang pilosopiyang ito ng buhay na aking itinaguyod sa hinaba ng aking natatandaan ay ibinagsak at pinabulaanan ng mga salita ng Diyos na tila sa magdamag. Gayunpaman, dahil ang mga bagay ay nagkagayon na, wala akong pagpipilian kundi ang tanggapin ang mga katotohanan. Kinalma ko ang aking sarili, nagsagawa ng ilang pag-iisip at muling sinuri ang kasabihang ito na pinanghawakan ko ng matagal. Sa paglipas ng panahon, salamat sa pagliliwanag ng Diyos, sa wakas ay nakakuha ako ng bagong pag-unawa at pananaw tungkol sa parirala. Sa ibabaw, ang “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala" ay tila isang sapat na makabuluhang ideya at alinsunod sa karamihan ng kuru-kuro ng mga tao tungkol sa tama at mali. Mukhang walang anumang bagay na mali sa ideya sa simula, sapagkat sinasabi lamang nito na dapat tayong magbantay laban sa iba, ngunit hindi mag-umpisang gumawa ng pinsala sa iba. Karagdagan pa, ang pamumuhay sa kasabihang ito ay pumipigil sa atin mula sa pagkahulog sa mga bitag habang pinapayagan din tayo na matutunan kung paano maging mabubuting mga tao. Gayunpaman, kapag isinasailalim natin ang pariralang ito sa maingat na pagsusuri, nagiging malinaw na ito talaga ay isang lubos na nakatatakot na paraan kung saan ay sinisira ni Satanas ang sangkatauhan. Ang pariralang ito ay lihim na nagsasabi sa atin na hindi ka maaaring magtiwala sa sinuman, na ang sinuman ay may kakayahang makapinsala sa iyo, kaya sa iyong mga pakikitungo sa iba, huwag mong ibibigay kailanman ang lahat. Sa ganitong paraan, nagbabantay ako laban sa iyo, ikaw ay maghihinala sa akin at walang sinuman sa atin ang talagang nagtitiwala sa isa’t isa. Ito ay naghahatid sa atin pababa sa daan tungo sa hindi pagkakaunawaan, kapootan, at pagpapakana, na nagdudulot sa sangkatauhan upang maging higit at higit pang tiwali, taksil, tuso at hindi matapat. Ang mas masama pa, ang pananalitang ito ni Satanas ay nagdudulot sa atin upang maging mapagbantay, mapaghinala at hindi mapagtiwala sa pakikipagtagpo sa ating mapagmahal at mabait na Diyos. Nagsisimula tayong mag-isip na ang Diyos, din, ay mapandaya, tuso at puno ng mga pakana—na ang Diyos ay hindi gumagawa para sa ating pinakamabuting kapakinabangan. Bilang resulta, gaano man tayo kamahal ng Diyos at kamaunawain sa atin, nag-aatubili tayo na ilagay ang ating pananampalataya sa Kanya, at mas malamang na hindi pahahalagahan gaano man ang Kanyang ginagawa para sa atin. Sa halip, kinukuwestyon natin ang lahat ng ginagawa Niya nang may mapandayang puso, at pinapasa ang ating mga maling pag-unawa, pagdududa, kawalang-katapatan at pagtutol sa Kanya. Sa ganitong paraan, natutupad ni Satanas ang layunin nito na pagsira at paglason sa sangkatauhan at pagpapalayo sa atin o pagtataksil sa Diyos. Gayunpaman, nagkulang ako ng kabatiran at hindi naunawan ang masamang balak ni Satanas. Kinuha ko ang kamalian nito para sa isang matatag na pilosopiya sa buhay upang igalang at itaguyod at sa dakong huli ay naging higit at higit pang tuso, mapagtanong at mapagbantay. Sa halip na manindigan sa panig ng Diyos, at pakitunguhan ang mga bagay mula sa isang positibong pananaw, anuman ang sitwasyong naharap ko, ginamit kong lagi ang sarili kong mapandayang pag-iisip. Hindi ko naunawaan ang Diyos at kinuwestiyon ang Kanyang layunin. Sa wakas, habang ang aking maling pag-unawa sa Diyos ay naging lalo at laong tiyak, nawala ang aking kaugnayan sa gawain ng Banal na Espiritu at nahulog sa kadiliman. Ngayong malinaw na, ang pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala" ay walang iba kundi isang kamalian na ginawa ni Satanas upang pasamain at linlangin ang sangkatauhan. Ang pamumuhay sa tinagurian na kasabihang ito ay pangungunahan lamang ang mga tao upang maging mas tuso at malihim, at walang katuwirang magtanong at magbantay laban sa mga iba, habang ganap na mali ang pag-unawa at tumatalikod sa Diyos. Ang buhay na labis nang pinangunahan ay mag-aani lamang ng pagkasuklam ng Diyos at pinangungunahan ang isang tao na mawalan ng kaugnayan sa gawain ng Banal na Espiritu at mahulog sa kadiliman. Sa huli, ang mga tagasuporta ng kasabihang ito ay magiging biktima ng kanilang sariling pagtataksil—ang kanilang mga magagandang kinabukasan ay napawi. Sa puntong ito, sa wakas ay naunawaan ko na ang pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala" ay hindi isang lehitimong pilosopiya ng buhay, kundi isang mapandayang balangkas ni Satanas upang linlangin at pahirapan ang sangkatauhan. Ang pariralang ito ay tulad ng isang nakamamatay na kamandag na may kakayahang pasamain ang mga tao, na ginagawang mapariwara ang kanilang pagkatao at malihis sa o magtaksil sa Diyos.
Nang maglaon, nakita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Ang Diyos ay may pamantayan ng katapatan, kaya ang Kanyang salita ay palaging mapagkakatiwalaan. At saka, ang Kanyang mga pagkilos ay walang mali at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos ang mga lubos na matapat sa Kanya. Ang ibig-sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; hindi kailanman pinalalabas na Siya ay huwad sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi kailanman itatago ang katotohanan; hindi kailanman gagawa ng bagay na mapanlinlang sa mga nakatataas at mandaraya ng mga nasa ibaba; at hindi kailanman gagawa ng isang gawain upang magpa-awa lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pagpigil ng karumihan sa inyong mga kilos at salita, ang hindi manlinlang ng Diyos o tao. … Kung marami kang hindi mailarawang katapangan at tumatangging ilantad ang iyong mga lihim—iyong paghihirap—sa kapwa upang hanapin ang daan tungo sa liwanag, masasabi ko na isa ka sa mga taong hindi madaling makatatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon sa kadiliman. Kung ang paghahanap ng daan tungo sa katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa sa madalas na nabubuhay sa kaliwanagan. Kung nagagalak kang maging taga-serbisyo sa tahanan ng Diyos, nagsisikap at matapat sa gawain sa kabila ng karimlan, laging nagbibigay at hindi nanghihingi, masasabi ko na ikaw ay tapat na santo, sapagkat hindi ka naghihintay ng gantimpala at matapat na tao lamang. Kung gusto mong maging tapat, kung handang ibigay ang iyong lahat, handang isakripisyo ang iyong buhay at maging saksi ng Diyos, matapat at iniisip ang kaligayahan ng Diyos, hindi isinaalang-alang at kumukuha ng para sa sarili, masasabi ko na ang gayong mga tao ay nagtataglay ng kaliwanagan at mabubuhay magpakailanman sa kaharian” (“Tatlong Babala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa salita ng Diyos ay naunawaan ko, minamahal at pinagpapala ng Diyos ang matapat. Sa pamamagitan lamang ng pagiging matapat na ang isang tao ay makapamumuhay sa tamang paraan, kaayon ng layunin ng Diyos. Kaya, tanging ang matapat ang karapat-dapat tumanggap ng kaligtasan ng Diyos. Naunawaan ko rin kung paano kumilos bilang matapat na tao: Ang mga matatapat na tao ay nagsasalita nang simple, hayagan at walang panlilinlang—tinatawag nila ang ispada na ispada. Ang tapat ay hindi kailanman nandaraya sa iba, hindi sila kumikilos nang walang interes at hindi sila kailanman nandaraya o nagsisinungaling sa Diyos. Ang puso ng matapat na tao ay tapat at walang kataksilan o kabuktutan. Sa pagsasalita at pagkilos ay hindi sila nagtataglay ng mga intensyon o lihim na motibo; hindi sila kumikilos para sa kanilang sariling pakinabang o upang masiyahan ang kanilang laman, kundi para sa kapakanan ng pagiging isang totoong tao. Ang puso ng matapat na tao ay may magandang kalooban, ang kanilang kaluluwa ay matapat, at handa silang ibigay ang kanilang puso at buhay sa Diyos. Wala silang hinihinging kabayaran, kundi nagsisikap lamang na matupad ang mga hangarin ng Diyos. Tanging ang mga nagtataglay ng mga katangiang ito ang maaaring tawaging matatapat na mga tao, mga taong namumuhay sa liwanag.
Sa sandaling naunawaan ko ang mga prinsipyong nakaugnay sa pagiging matapat na tao, sinimulan kong subukang isagawa ang mga prinsipyong iyon. Sa aking mga pakikitungo sa iba, sinadya kong subukan na huwag maging tuso, o manghula at magtaas ng aking bantay. Nang magtagumpay ako, nadama kong partikular akong malaya at napakawalan; tila mas lalong maaliwalas na mabuhay sa ganitong paraan. Kapag nagpakita ako ng katiwalian habang tinutupad ang aking mga tungkulin, maagap kong hinahanap ang aking kaparehang kapatid na babae upang ipaalam ang aking bagong pag-unawa sa aking sarili sa pakikipag-isa at gagawin din ito ng kapatid na babae. Habang nasa prosesong ito, hindi lamang sa hindi kami nagkaroon ng mga masasamang palagay sa isa't isa, ngunit talagang kami ay naging mas magkaayon pa sa aming koordinasyon. Nang binanggit ko ang salita ng Diyos sa paglalantad ng aking katiwalian sa panahon ng mga pagpupulong, hindi ako hinamak ng aking mga kapatid na gaya ng naisip ko sa simula, sa halip ay itinuring nila ang aking salaysay bilang isang halimbawa ng mapagmahal na pagliligtas ng Diyos. Kapag, sa pagtupad sa aking mga tungkulin, gumawa ako hindi para sa aking sariling reputasyon at katayuan kundi upang matupad ang mga hangarin ng Diyos, nadama ko ang Banal na Espiritu na gumagawa sa pamamagitan ko at nagbibigay sa akin ng patnubay, upang makita ko ang layunin ng Diyos sa pagtupad sa aking mga tungkulin. Bilang resulta, napakabisa ko sa pagtupad sa aking mga tungkulin. Sa panalangin, sinadya kong subukan na ibahagi ang aking mga pinakaloob na kaisipan sa Diyos at magsalita mula sa kaluluwa. Nakita ko na nang gawin ko iyon, palapit ako ng palapit sa Diyos at nadama na ang Diyos ay lubhang kaibig-ibig. Mangyari pa, ang lahat ng mga dating maling pag-unawa ko sa Diyos ay napawi sa proseso. Sa pamamagitan ng prosesong ito ng pagsasabuhay ng katapatan, naranasan ko kung paanong ang pagiging matapat ay nagpapahintulot sa isang tao na mamuhay sa liwanag at tumanggap ng pagpapala ng Diyos. Ang pagiging matapat na tao ay tunay na makabuluhan at mahalaga!
Sa pagdaranas ng mga benepisyo ng pagiging matapat na tao, naging mas malinaw sa akin na ang kasabihan ni Satanas na, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala" ay nagpapasama at nagpapahirap sa sangkatauhan. Kung itinataguyod ng isang tao ang kasabihang ito, siya ay laging mabubuhay sa kadiliman, katiwalian at paghihirap. Sa pamamagitan lamang ng pagiging matapat na tao na makapamumuhay tayo sa liwanag, mapalalakas at tatanggap ng papuri ng Diyos. Mula ngayon, nangangako ako na magsisimulang muli at lubusang iiwan ang kasabihang ito ni Satanas na, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala." Mula ngayon, ang katapatan ang aking magiging pamantayan sa aking pamumuhay at magsisikap akong makalugod sa Diyos sa pamamagitan aking katapatan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento