Ang Kahalagahan ng Koordinasyon sa Serbisyo
Mei Jie Lungsod ng Jinan, Lalawigan ng Shandong
Pagkatapos na baguhin ang administrasyon ng iglesia pabalik sa orihinal na anyo nito, itinatag ang pakikipagtambalan para sa bawat antas ng pinuno sa sambahayan ng Diyos. Sa panahong iyon ay inakala ko na ito ay isang magandang pagsasaayos. Mababa lang ang kalibre ko at napakarami ng aking gawain; Kailangan ko talaga ng kasama upang tulungan akong makumpleto ang lahat ng uri ng gawain sa aking rehiyon.
Kaya, ako at ang kapatid na babae na naging kasama ko ay nagsimulang magsagawa ng pastoral na gawain sa iglesia nang magkasama. Ngunit unti-unti, nakita ko na hindi niya ginagawa ang lahat ng uri ng bagay ayon sa aking kalooban, at nagsimula ang pagtutol sa aking puso: Kahit na mas okupado ako nang kaunti kapag nagtatrabaho ako sa aking sarili, ayos lang, at ang pagsasaayos sa isang kasama ay isa talagang problema. Kung ipagawa ko sa kanya ang ilang trabaho at ito ay hindi perpekto, mas gugustuhin kong gawin ito sa aking sarili. Kung hindi ko ipagawa sa kanya ang gawain, kaso, siya ay aking kasama. ... Kaya, parami nang parami ang pagtutol na namuo sa aking puso, hanggang sa isang pagkakataon, hindi na talaga ako makapagtimpi nang mas matagal pa at nawala ang aking kahinahunan sa kanya: "Paano ka naging napakahangal? Naging isang lider ka nang maraming taon, paanong hindi ka pa rin makagawa ng maayos na gawain? Bakit hindi mo kailanman maintindihan, o matugunan? ..." Nang matapos ako, hindi kalugud-lugod ang aking pakiramdam, talagang nakonsensya ako. Naisip ko sa sarili ko: Mali ba ang sitwasyon ko? Kaya't lumapit ako sa harap ng Diyos sa paghahanap, at nakita ang mga salita ng Diyos na nagsabi: “Sa kasalukuyan ang kinakailangan sa inyo para gumawang magkakasama nang may pagkakaisa ay katulad sa kung paano hiniling ni Jehovah sa mga Israelita na paglingkuran Siya. Kung hindi, tapusin na lamang ang inyong paglilingkod. Sapagkat kayo’y mga tao na naglilingkod nang tuwiran sa Diyos, kahit papaano kailangan ninyong magawang maging tapat at masunurin sa inyong paglilingkod, at kailangang magawang matutuhan ang mga aral sa isang praktikal na paraan. … Kung kayong mga tao na nakikipagtulungan upang gumawa sa mga iglesia ay hindi matututo sa bawat isa, at mag-uusap, makabawi sa mga pagkukulang ng bawat isa, mula saan kayo matututo ng mga aral? Kapag nakasasagupa kayo ng anuman, kailangan ninyong magsamahan sa isa’t-isa, upang ang inyong buhay ay makinabang. At dapat ninyong maingat na pagsamahan ang tungkol sa anumang uri ng mga bagay bago gumawa ng mga pagpapasya” (“Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkatapos ay nakita ko ito sa pagbabahagi ng tao: "May ilang mga tao na hindi kayang makipag-ugnayan sa sinumang iba pa habang tinutupad ang kanilang tungkulin. Walang sinumang makakalapit sa kanila; ito ay nagpapakita ng kanilang pagmamataas at kayabanagan, na wala silang anumang pang-unawa ng tao, na hindi alam ang kanilang sarili, at nanghahamak sa iba. Hindi ba't ito ay kahabag-habag? Ang disposisyon ng ganitong uri ng tao ay hindi talaga nagbabago, at hindi madaling sabihin kung sila ay maililigtas ng Diyos. Ang mga taong tunay na nakakakilala sa kanilang mga sarili ay mapapakitunguhan ang ibang tao nang tama nang hindi masyadong kritikal. Kaya rin nilang matiyagang tumulong at sumuporta sa iba, iparamdam sa mga tao na mahalaga sila at minamahal; kaya nilang magkaroon ng wastong relasyon sa iba. Sila ay mga tao na may kabaitan, at ang mga tao lamang na may kabaitan ang may debosyon para sa Diyos, maaaring mabuhay nang may pagkakasundo sa iba, at sapat na magagampanan ang kanilang tungkulin" ("Kapag Isinasakatuparan Ang Tungkulin Ng Isa Ang Huling Hantungan Ng Tao Ay Nahayag" sa Mga Talaan ng Mga Pakikipag-Usap ni Cristo sa Mga Pinuno At Manggagawa ng Iglesia). Kasama ng mga salitang iyon ng Diyos ito mula sa pagbabahagi ng tao, maingat kong sinuri ang aking sarili at nakitang hindi ko naintindihan ang kalooban ng Diyos sa sambahayan ng Diyos na nagsasaayos ng mga kasama para sa lahat ng antas ng mga lider. Higit pa rito, hindi pa ako nakapagsagawa o nakapasok sa katotohanan ng maayos na koordinasyon. Ang isang dahilan ng pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos ng mga kasama para sa amin ay sapagkat ang aming kakayahan ay masyadong mababa, at ang aming pag-unawa sa lahat ng aspeto ng katotohanan ay masyadong limitado. Hindi namin magagawa ang lahat ng gawain sa iglesia sa aming sarili. Sa tulong ng isang kasama, maaari naming mas mahusay na makumpleto ang gawain ng iglesia at maiiwasan ang paglaban sa Diyos sa pamamagitan ng paggawang mag-isa, paggawa ng anumang naisin namin, at pag-asa sa aming sariling kalooban sa aming paglilingkod sa Diyos. Ang isa pang dahilan ay upang mas mapagsanay namin nang mas maayos ang pagpasok sa katotohanan ng normal na pagkatao, upang magkaroon kami ng palitang pagbabahagi sa mga kasama, at matuto mula sa isa't isa. Ito ay lubhang kapaki-pakinabang para sa gawain ng iglesia pati na rin sa aming personal na pagpasok sa buhay. Naipakita nito sa akin na ang maayos na koordinasyon sa aming serbisyo ay napakahalaga para sa gawain ng iglesia at sa aming personal na pagpasok sa buhay! Ngunit hindi ko hinanap sa anumang paraan ang kalooban ng Diyos dito. Hindi ko binigyang pansin ang mga praktikal na mga aralin na matututunan ko sa pamamagitan ng koordinasyon na ito. Nag-aatubili lamang akong nagtrabaho kasama niya dahil sa pagsasaayos ng iglesia, at nang sandaling ang kapatid na babaeng ito ay hindi pinangasiwaan ang ilang mga bagay nang maayos, pinagalitan ko siya at nawalan ako ng kahinahunan. Palagi kong naramdaman na hindi siya kasing-husay ko, at hindi ko nakita ang kanyang mga lakas at bentahe. Tinutulan ko pa ang pagsasaayos ng iglesia. Tunay na ako ay sobrang mapagmataas, talagang walang kamalayan sa sarili ko, at wala akong kahit na kaunting normal na pagkatao o katuwiran, at lalo pa'y wala akong lubos na damdamin ng paggalang sa Diyos, at hindi karapat-dapat na mag-alay ng paglilingkod sa harapan ng Diyos.
O Diyos! Ang Iyong pagbubunyag ay nagpakilala sa akin ng aking kawalan ng kakayahan na makipagkoordina nang maayos, ang aking pagmamataas at ang aking kahabag-habag na bahagi sa paglilingkod sa Iyo. Mula sa araw na ito pasulong, handa kong panatilihin ang isang puso ng paggalang sa Iyo, hindi na katigan ang aking sarili, at pagtuunan ang mga interes ng iglesia sa lahat ng bagay. Sa koordinasyon sa paglilingkod ay susuportahan ko ang iba at mag-aaral mula sa iba. Pagtutuunan ko aking sariling pagpasok sa katotohanan, at hahangarin na maging isang taong may katotohanan at pagkatao na angkop para sa Iyong paggamit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento