Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos

菜單

12.1.19

Ang Mga Taong Hindi Madaya ay Hindi Nangangahulugang Mga Matapat na Tao



Ang Mga Taong Hindi Madaya ay Hindi Nangangahulugang Mga Matapat na Tao

Cheng Mingjie Lungsod ng Xi’an, Probinsiya ng Shaanxi
Itinuturing ko ang sarili ko na isang uri ng tao na mapagkaibigan at tapat kung magsalita. Nakikipag-usap ako sa mga tao sa paraan na tapat; anuman ang nais kong sabihin, sinasabi ko ito—hindi ako ang uri na nagpapaliguy-ligoy. Sa aking mga pakikipag-ugnayan sa mga tao may posibilidad akong maging medyo prangka. Madalas, nadaraya ako o kinukutya dahil sa madaling pagtitiwala sa iba. Pagkatapos lamang nang magsimula akong magpunta sa simbahan na naramdaman kong nakatagpo ako ng isang lugar na matatawag kong akin. Akala ko sa sarili ko: Dati ang hindi ko pandaraya ay naglagay sa akin sa kawalan at ginawa akong mahina sa pandaraya ng iba; pero sa simbahan gusto ng Diyos ang matatapat na tao, mga taong hinamak ng lipunan, kaya hindi ko na kailangang mag-alala tungkol sa pagiging sobrang hindi madaya. Naramdaman kong lalo akong naaaliw nang marinig kong mahal ng Diyos ang mga matapat at simple, at ang matapat lamang ang tatanggap ng kaligtasan ng Diyos. Nang makita ko kung paano naging balisa ang aking mga kapatid na babae at lalaki habang nagsisimula silang makilala ang kanilang mapanlinlang na kalikasan ngunit hindi ito mabago, naramdaman kong mas maginhawa na, sa pagiging matapat at prangka, hindi ko kailangang tahakin ang gayong pagkabalisa. Gayunman, isang araw, pagkatapos na matanggap ang isang pagbubunyag mula sa Diyos, sa wakas ay natanto ko na hindi ako ang matapat na tao na akala ko ay ako.
Isang araw, narinig kong sinabi ng Diyos sa Kanyang pagsasamahan: “Ang mga taong matapat ... ay hindi kaawa-awa, miserable, estupido, o simple lamang.... Kaya, huwag ilagay ang koronang ito sa ulo mo, na iniisip na ikaw ay matapat dahil nagdurusa ka sa lipunan, tinatrato nang kakaiba, at pinagtutulakan at dinadaya ng lahat ng taong makita mo. Ito ay talagang mali. ... Ang pagiging matapat ay hindi gaya ng iniisip ng mga tao—ang mga tao ay matapat dahil lamang sila ay prangka at simpleng makitungo—hindi iyon ganyan” (“Para Maging Matapat, Dapat Buksan ang Sarili sa Iba” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang mga salita ng Diyos ay ganap na paglalarawan ng aking sitwasyon. Sa katunayan, palagi kong naiisip na dahil hindi ako nagsasalita sa paraang paliguy-ligoy at madalas akong nadaraya ng iba, na ito kahit papaano ay nangangahulugan na wala sa aking pagkatao ang mapanlinlang o tuso. Bilang resulta, hindi ako kailanman naka-ugnay nang personal sa paglalantad ng Diyos sa kataksilan at katusuhan ng tao, sa halip ay pagpaparangal sa sarili ko bilang ganap na halimbawa ng katapatan. Akala ko na ang lahat ay mapanlinlang at na ako kahit paano ay iba, na isinilang ako na may likas na katapatang ito. Namumuhi ang aking pag-iisip sa Diyos. Sa puntong ito, naalala ko ang isa pang sipi mula sa mga salita ng Diyos: “Ang ibig sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; huwag kailanman magbulaan na Siya ay huwad sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi kailanman itinatago ang katotohanan; huwag kailanman gawin ang bagay na mapanlinlang sa mga nakatataas at mandaraya sa mga nasa ibaba; at hindi kailanman gagawa ng isang gawain upang magmagaling lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pagpigil ng karumihan sa inyong mga kilos at salita, ang hindi manlinlang ng Diyos o tao. ... Kung ang iyong mga salita ay puno ng pagdadahilan at walang kabuluhang pangangatwiran, masasabi Kong lughang kinasusuklaman mong isagawa ang katotohanan. Kung marami kang nagaatubiling di-maibahaging pinagkakatiwalaan at tumatangging ilantad ang iyong mga lihim—nangangahulugan, iyong paghihirap—sa kapwa upang hanapin ang daan tungo sa liwanag, masasabi Ko na isa ka sa mga taong hindi madaling makatatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon sa kadiliman. Kung ang paghahanap ng daan tungo sa katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa sa madalas na nabubuhay sa kaliwanagan. Kung nagagalak kang maging taga-serbisyo sa tahanan ng Diyos, nagsisikap at matapat sa gawain sa kabila ng karimlan, laging nagbibigay at hindi nanghihingi, masasabi Ko na ikaw ay tapat na santo, sapagkat hindi ka naghihintay ng gantimpala at matapat na tao lamang. Kung gusto mong maging tapat, kung handang gugulin ang iyong lahat, handang isakripisyo ang iyong buhay at maging saksi ng Diyos, matapat sa puntong iniisip lang ang kaligayahan ng Diyos, hindi isinaalang-alang at kumukuha ng para sa sarili, masasabi Ko na ang gayong mga tao ay nagtataglay ng kaliwanagan at mabubuhay magpakailanman sa kaharian” (“Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Napagtanto ko sa pamamagitan ng salita ng Diyos na ang talagang ibig sabihin ng Diyos sa katapatan, ay isang tao na ibinibigay ang kanyang puso sa Diyos na walang iniisip sa kanyang personal na pagsulong o mga plano sa hinaharap. Walang pakikipagkalakalan sa Diyos, walang paghingi ng kabayaran; Ang taong matapat ay nabubuhay upang malugod ang Diyos. Ang taong matapat ay sukdulang matapat sa Diyos at hindi kailanman sinusubukang linlangin Siya. Sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sila ay masigasig at hindi kailanman sinusubukang dayain ang kanilang paraan sa mga bagay-bagay o gawin ang isang bagay nang madalian. Ihinahantad ng matapat na tao ang lahat ng bagay sa harap ng Diyos, at nakahanda ring ibahagi ang kanilang mga pribadong bagay at mga personal na problema sa kanilang mga kapatid na babae at lalaki. Ang matatapat na tao ay hindi nagpapahayag ng hindi gaanong epektibong bersyon ng kuwento, sinasabi nila ang katotohanan tungkol sa isang bagay. Pinanghahawakan ng matapat na tao ang katotohanan at makatao. Para sa akin, hindi ko lang nakuha kung ano ang ibig sabihin ng pagiging matapat na tao. Sa aking makamundong paghusga sa mga bagay-bagay, ang “matapat na tao” ng Diyos ay kung ano ang itinuturing natin sa hindi relihiyosong mundo bilang isang “taong hindi madaya.” Hindi ko alam na ang “matapat na tao” ng Diyos at ang aking “matapat na tao” ay katiting lang ang pagkakapareho. Naging mangmang ako, salungat sa katwiran!

Sinira ni Satanas ang tao sa loob ng libo-libong taon: Lahat tayo ay lumaki sa isang kapaligiran na laganap ang pagkamuhi at kasamaan ni Satanas. Ang ating mga salita at pag-uugali, ang paraan kung paano tayo kumikilos sa lipunan, lahat ay sumasailalim sa pag-anyaya ni Satanas. “Ang taong hindi maingay ay nagiging matalino,” “Ang lahat ng tao ay para sa kanyang sarili at natatamo ng demonyo ang kadulu-duluhan,” “Nagsasalita mula sa magkabilang panig ng iyong bibig,” ang mga pinakakilalang kasabihan na ito ni Satanas ay natanim na nang sama-sama na walang kamalayan ng tao: Mahalagang bahagi sila ng ating buhay habang hinihimok tayo sa kataksilan at katusuhan. Kung ganoong lahat ng sangkatauhan ay nagdurusa dahil sa kataksilan at katusuhan, bakit ko naisip na kahit papaano ako ay hindi tinatablan, o likas na matapat? Nagsasalita ako nang tapat at walang kasinungalingan dahil ako ay prangka at tahas na tao. Madalas akong nadaraya ng iba dahil ako ay mangmang at hangal, ngunit hindi ibig sabihin nito na ako ay talagang isang matapat na tao. Kapag iniisip ko ang nakaraan, ilang beses kong ginamit ang panlilinlang at mga kasinungalingan para mapanatili ang aking reputasyon at katayuan? Ilang beses akong nalublob sa pagkabalisa dahil sa aking mga inaasahan sa hinaharap sa halip na maniwala sa Diyos na may dalisay at tanging puso? Natakot ako na sa pagsusuko ng lahat ng bagay para sa Diyos, ay walang matitira sa akin, kaya lagi kong nais ang pangako mula sa Diyos, isang pangako na balang araw ako ay makakapasok sa Kanyang kaharian. Sa ganoong paraan lang ako makapaghahanap ng katotohanan nang buong puso at hindi nag-aalala. Ilang beses akong hindi naging tapat sa Diyos, naliligalig sa maliliit na pagkawala at natamo sa proseso ng pagtupad sa aking mga tungkulin? At ilang beses akong gumawa at nilabag ang mga pagtitika, nagsasalita ng “mga salitang parang mahalaga ngunit walang laman” upang ayusin ang biyaya ng Diyos? Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko na buksan ang aking sarili sa aking mga kapatid na lalaki at babae at ibahagi ang aking mga personal na problema at pansariling kapakanan sa kanila dahil sa takot na hahamakin nila ako? Ilang beses kong sinabi ang kung ano ang pinaniniwalaan ko lang na magbibigay sa akin ng personal na pakinabang, nagtitiwala at naghihinala sa iba? Sa pagbabalik-tanaw, tila lahat ng aking mga saloobin, salita at kilos ay napuno ng kataksilan at pandaraya. Bilang resulta, ang pagkaunawa ko sa pananampalataya, ang aking mga kontribusyon, ang aking mga pakikipag-ugnayan sa ibang tao at sa Diyos at ang aking pagtupad sa aking mga tungkulin lahat ay naiimpluwensyahan ng kataksilan. Maaari mong sabihin na nabubuhay ako sa bawat sandali ayon sa pinakadiwa ng kataksilan.
Salamat Diyos sa pagpapaliwanag mo sa akin, sa pagtuturo mo sa akin na ang matapat na tao ay hindi lamang basta prangkang magsalita at hindi madaya, ngunit sa halip ay mga nagtataglay ng katotohanan at sangkatauhan. Salamat din sa pagpapakita sa akin na hindi ako matapat ayon sa pakahulugan ng Diyos, subalit isang taong naliligalig ng mapanlinlang na kalikasan ni Satanas, isang kataksilan na inilalantad ng Diyos. Mahal na Diyos, mula ngayon gugulin ko ang sarili ko sa pagiging isang taong matapat. Hinihiling ko sa Iyo na ilantad mo ako at payagan ako na magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa aking sariling mapanlinlang na kalikasan, upang kamuhian ko ang aking sarili, tanggihan ang aking laman, at malapit nang maging isang taong matapat na nagmamay-ari ng katotohanan at sangkatauhan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento